Biyernes, Oktubre 3, 2014

Excuse Me!

Excuse me! (ONE SHOT)
© Copyright 2014 by Iantatolala
Excuse me. Mga salitang nagpainis sa kanya. Swerte ko na lang at napaamin ko siya gamit yun!”
à Secret na lang kung sino ako. Basta basahin nyo na lang. ß

“Anak! Anak! Gumising ka na! Male-late ka nanaman!”
Dali-dali akong bumangon mula sa pagkakahiga. Tinignan ko yung alarm clock ko na hindi man lang tumunog.
7:45
Shet!!! Lagot nanaman ako neto kay Sir! Papa-good shot na nga ako dahil 4th year na ko e! Bakit ba kasi hindi tumunog tong alarm clock na ito. “Sira ata to e. Tsk! Kaazar naman!”
“Anak! Gising ka na ba?!”
“Eto na po Ma! Gising na ko!”
Dumeretso na kong banyo saka naligo. Maitapon nga yung alarm clock na yun! -___-+++ Pagtapos kong maligo ay agad akong nagbihis ng uniform ko. Time check: 7:55! Putek na yan!
Tumakbo ako papuntang kusina at kumuha ng isang pirasong pandesal. Yae na mamaya! Ikakain ko na lang to sa canteen. Lalayas na sana ako ng bahay ng tinawag ako ng magaling kong ina.
“Yung baon mo!” Sigaw niya. Haist! Nga pala.
Bumalik ako ng bahay saka kinuha sa kanya yung baon ko at takbo papuntang waiting shed kung saan may antayan ng jeep papunta sa school. Habang tumatakbo, may nakita akong lalaking nakatayo na nag-aantay din. Ka-schoolmate ko ata e. Pareho kami ng uniform. Pero syempre panlalaki kanya. Baka sabihin nyo bakla e. Lalaki nga e.  Sasakay na sana siya ng jeep nang unahan ko sya.
Excuse me!” Wika ko.
Sorry din po kuya! Nagmamadali lang e. Next time ka na lang. ^_^v
Paghinto ng jeep sa tapat ng school ay bumaba agad ako. Tingin sa orasan. Shet! 7:58. Dalawang minuto na lang. Kung nagtataka kayo na tatlong minuto lang ang byahe ay dahil malapit lang naman ang aming mansion este! Bahay lang pala.
Tumakbo ako ng classroom at dahan-dahang binuksan yung pinto. Pagkabukas ko, nakahinga ako ng maluwang ng wala pa yung guro namin. “Hay, salamat! Wala pa si Sir!”
“Ano iyon Ms. Zamora?” Wika ng isang tinig sa likod ko. Oh shit! Si Sir!
“Ah-eh, wala po yun sir!” Tugon ko naman sa kanya tapos pumunta na ng upuan. Pagkaupong-pagkaupo ko ay dinakdakan nanaman ako ng kaibigan/ate/nanay/seatmate ko. Oh diba? All in one! Si Kylie Dalicson lang ang nakakagawa nyan!
“Ikaw na babae ka! Bakit late ka nanaman---,”
“Hindi ako late.”
“At least muntikan na. So muntikan ka na ring ma-detention. Ulit! Gosh! lkaw na babae ka, ano nanaman bang ginawa  mo kagabi at late ka nanamang nagising. Apat na taon na natin tong routine. Buti na lang at nauna kang pumasok sa classroom kesa kay Sir. Alam mo naming terror yan kahit ganyan yan ka-gwapo. Aba maglilinis ka nanaman ng cr---,”
And then her babblings go on. See? Ganyan yang dakila kong bestfriend e. And totoong gwapo si Sir. At first natutuwa ako dahil may gwapo kaming teacher na tatayo sa harap namin buong magdamag at magtuturo ng physics. Pero nakilala namin sya at nalamang sobrang sunget ni Sir!
“---Tsaka—Hoy, babae, nakikinig ka ba?” Tanong nya.
“Uh. Hindi.”
“Ano nanaman bang---,”
“Ms. Dalicson! I’m discussing something here and you are telling nonsense to your seatmate! Can you please repeat what I said?!” Galit na asik ni Sir ka Kylie.
“You said that the law of acceleration is---,”
Buti na lang talaga at matalino tong isang to. Hindi mapunta-punta sa detention. E ako? Kuh! Asa naming pahuhuli ako noh!
“---the---,”
*BOOGSH*
Natigil ang lahat (pati si Sir) sa kanilang ginagawa at napatingin sa kanya. Sa lalaking walang pakundangang binuksan ng pabalibag ang pinto.
“Mr. Zamboa! You are late! Again!” Asik ni Sir.
“I know.” Wika naman niya. Grabe! I salute him. Siya lang ang kayang gumanyan kay Sir. Kaya mahal na mahal ko siya e. Sabagay, magkapatid nga din pala sila. Yeah. Magkapatid sila. Pero sabi half lang daw dahil anak daw sa labas si Sir. Ay, ang sama ko.
“Detention after class!”
Hay. Kawawa naman siya. Lagi na lang siya nade-detention. May green slip nanaman. Tsk pareho nga kami ng bilang e. Oo binibilang ko talaga. E bakit ba? Kina-career ko e. Tsaka pag mahal mo ang isang tao, di ka mapapagod tignan sila saka subaybayan. Tsk! Sana---
“Ms. Zamora!”
--Talaga mapansin nya---
“Ms. Zamora!”
“Sir?!” Sabi ko sabay tayo.
“Detention!” Awwe! Oh well, sanay na naman ako. Last na talaga to pramis. Baka di ako pa-graduatin eh.
Natapos ang klase ni Sir ng tahimik. Wala e. Natakot ata dahil kayang-kaya magpadala ni Sir ng limang estudyante o kaya base sa ilan ang gusto nya. Pag may topak naman si Sir, kaya nyang magpadala ng lima. Eek! Kawawa nga kami e.
Natapos na rin ang buong araw namin na puro aral. Waaah! Pupunta na kong detention room. Huhu. Makikita ko nanaman si Pres. Si Pres. Ay isang good boy. Kaya nga sya naging president e. At dahil kaibigan ko sya ay tatakas na lang ako. Whaha. Ay! Papa-safe na lang pala ako. ^_^
Binuksan ko yung detention room at naabutan syang nagsusulat ng kung ano. Agad akong lumapit sa kanya at inakbayan sya. Tch. Close ako sa mga lalaki kaya wag kang magtaka. Huh! Swerte ko na lang.
“Pres.! Hello!” Bati ko.
Tumingin sya sakin pero walang bakas na gulat na rumehisto sa muka nya. Sanay na ata. -___-+++
“Ikaw nanaman?” Tanong nya.
“Pres. Naman! Parang pinagtatabuyan mo na ko nyan. Ayaw mo na ba sakin?” Kunwaring iyak ko pa.
Tumawa naman sya sa inakto ko. “Stop doing that. You look like a child.” Wika nya habang nakangisi. Eto ang Pres.  na nakilala ko. Haha.
“Bakit, cute ba ko? Effective na ba?” Tas nag-pout pa ko. Pout ba tawag dun?! ?_? Nilapit ko pa ang muka ko. Wala namang malisya e. Tsaka parang kuya ko na sya noh. Walang talo-talo. Hindi rin kami incest. “Insan, please?” ^3^
Hehe. Magpinsan kaya kami. Pero walang nakaka-alam. Haha. “Ge na ng--,”
Bago sya matapos ay bumukas yung pinto at iniluwa sya nun. Ang pinakagwapong lalaking minahal—este! mahal,(lang pala) minamahal, at mamahalin ko. At ang malala, naabutan nya kami sa ganung posisyon. Eep! Lagot!
I was expecting him to be jealous. Pero bigo ako dahil gulat lang ang nakita ko sa muka nya at balik na sa dating expression. Cold. He was known in our school as a cold person. Kaya nga minsan iwas ako sa kanya. Hindi man halata ay isa akong sensitive na tao. Syempre babae pa rin ako noh! Hindi mabilang na excuse me ang palusot ko para umiwas. Wala e. Mahal ko sya. Nagiging iyakin ako pagdating sa kanya. Wanna know why I love him?
FLASHBACK
“Lalalalala… Hihi. Hello Princess Jane!”
“Hello Princess Lara!”
“How are--,”
Naglalaro ako ng dolls ko galing sa Papa ko ng may umagaw nito.
“How pathetic she is. Local dolls? Such a trash.” Wika ng babae na sa tingin ko ay mas matanda sa akin ng dalawang taon. Kung ako eight, she’s already ten.
“Yeah right. Our dolls are from America and Europe. Yours were just from,” Wika pa nito.
“… bengketa?” Maarteng pagkakabigkas ng isa sa kaibigan nya.
Hindi ko na kinaya at napaiyak na ko. “Let’s destroy her fake dolls! Its so masakit sa eyes e!” Wika naman ng isa pa.
Mas lalo akong napaiyak ng harap-harapan nilang pinagsisira ang laruan ko. Bigay sakin yun ni Papa! Bago namatay si Papa. Bago sya maaksidente. Nang matapos nila sirain yun ay lalapitan na sana nila ako ng may isang batang lalaki na ka-age nila ang humarang sa kanila papunta sakin. Parang siyang shield ko. Para syang Papa ko. Huhu.
“Stay away from her!” Sigaw nito. Natulala ang mga ito. Maya-maya pa ay muka namang nakabawi na sa gulat yung tatlo at agad na nag-sorry.
“Sorry Prince!” Is he some kind of a royal? From a royal blood? Bakit Prince? Prinsepe ba sya? Pano nagkaroon dito sa Pinas ng prinsepe?
“Not me. To her.” Tapos tinuro ako ng lalaki.
Bumaling sakin yung tatlo at nag-sorry. Pagtapos ay tumakbo na sila palayo. Ang galing nga dahil natigil ako sa pag-iyak e. Nung humarap sakin yung lalaki ay nanlaki ang mata ko dahil totoong prinsepe sya. Ang gwapo! Natauhan ako ng ibigay nya sakin ang sira-sirang barbie doll.
Once again, umiyak ulit ako ng umiyak. “Shh. Wag ka nang umiyak. Play ka na lang ulit ng doll mo.” Sabi pa nya.
“Pano ako magp-play nyan? E sira na nga yan e!”
“Haha. Oo nga no.” Wika nya habang natatawa sa sarili. Na-gets ata nya yung sinasabi ko. Bakit? Totoo naman ha? Pano ko yun malalaro? “Sige. Bukas may ibibigay ako sayo. Punta ka ulit dito, okay?”
“Pano kung bumalik sila?”
Ngumiti muna sya bago sumagot. “Hindi na sila babalik. Saka pag bumalik sila, andito lang ako. Okay ba yun?” Tumango naman ako bilang sagot.
Kinabukasan pumunta ako doon at naabutan ko syang nag-aantay. Lumapit ako sa kanya pero di nya ata ako napansin. Kinalabit ko sya. “Excuse me. Andito na po ako mister.”
Napatalon sya sa pagkakaupo na dahilan ng pagtawa ko. “Oh! Maganda ka pala pagtumatawa e.” Sabi nya.
“Thank you!”
May kung ano syang inilabas sa likod nya at nakita ko yung doll ko na ayos na. “Waaaah! Si Princess Jane at si Princess Lara!” Lumapit ako sa kanya saka kinuha ang mga ito. Nakilala ko agad sila dahil may pangalan sila. Dahil sa sobrang tuwa ay niyakap ko sya. And then three years kaming ganun. Lagi syang nakikipaglaro sa akin. Until that time came.
He told me na aalis sila ng bansa. Sabi nya mag-antay ako ng isang taon. So nag-antay ako. Pero dumating yung oras na napagod ako sa kahihintay. Lagpas isang taon na kasi ako nag-aantay. Lumipat kami ng bahay at eto na. Doon na kami naninirahan sa bahay naming ngayon.
END OF FLASHBACK
Ngayon, I’m already sixteen. Eight years na ang nakalipas pero nakilala ko agad sya. Sya kaya? Naalala nya ko?
“Insan, pwede ka nang makaalis.” Bulong ni Dane.
“Okay. Thanks, insan.”
Lalabas na sana ako ng makita kong nakaharang sya sa pinto. “Excuse me.”
Tumabi naman sya. Hay. Kahit anong iwas ko mahal ko pa rin sya. Umalis nga yung katawan ko malapit sa kanya, nag-stay naman yung puso ko malapit sa kanya. Ang kaibahan lang, sobrang lapit sa kanya ng puso ko. Nakakulong pa nga ata e. Hindi na kasi makawala.
Haist! Ang corny ko! Makauwi na nga.

Kinabukasan, maaga ako sa school. Papasok na san ako ng classroom ng makita kong nakaharang sya. And as usual, ”Excuse me.” Tumabi ulit sya. Pero taimtim kong pinagdadasal na sana, next time, hindi na sya tatabi dahil kakausapin pa nya ko.
Natapos ang buong umaga ko ng walang nangyayaring kakaiba. Except na lang hindi ako dinadakdakan ni Kylie. Muka ngang nasa cloud 9 e. Tss. Ngayon naglalakad ako papuntang canteen dahil lunch na namin. Iniwan ko sa classroom si Kylie dahil hindi ko makausap ng matino. -___-+++
Habang naglalakad, nakabunggo ko yung mean girls. Tatlo sila. Natapunan ko pa ng dala kong tubig yung leader nila. Uh-oh. Seems like trouble.
“What the hell!”
“Sorry.” I muttered.
“Bakit ba hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?!” Sigaw nito sa akin.
“Sorry.” Pag-uulit ko. Baka di narinig.
“Anong magagawa ng sorry mo?! Natapunan mo yung damit ko, matutuyo ba to?”
“Aba! Edi patuyuin mo! Problema ba yun?!” Wika ko. Hindi ko na natiis e. Lumalaban na kaya ako ngayon. Kala mo sobrang bait ni Pres. Dane? Sya nagturo sakin mang-trashtalk sa bahay.
Nakita kong nanggagalaiti naman yung babae sa inis. “You!” Sasampalin n asana nya ko ng may kamay ang pumigil dito.
“Don’t hurt her.” Ani nito sa malamig na tono. Muntikan na kong mapangiti dahil niligtas nya uli ako after many years. Napansin kong mas lumalim ang boses nya. Pero hindi nito maiaalis na sya pa rin yung batang yun na nakilala ko. Yung batang lalaking nagtanggol sakin at laging kumakanta para sa akin. Pero diba iiwas ako? Haist! Iniwan kaya nya ko.
Mukang nastarstruck yung babae dahil kinausap sya niya. E sa gwapo nga sya diba?
“Okay ka lang?” Tanong nya sakin.
So now he’s concerned. To me. Napangiti tuloy ako. Sa isip ko, okay?
Tumango lang ako at sinabing, “Excuse me.”
Naglakad na ako palayo after kong sabihin yun. Lumipas ang araw at buwan hindi ko na sya nakakausap. Kahit sa simpleng excuse me ko lang. Ngayon ay last day na ng klase namin at gusto ko nang umamin. Kahit may konting galit pa sa puso ko. Hindi nyo naman ako masisisi kung magalit ako, right?
Habang naglalakad ay hinahanap ko sya nang may nabunggo ako. “Sor--,” Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng hilain nya ako papunta sa isang vacant classroom.
 “Sorry.” The first thing he said after manahimik ng ilang minuto.
“Huh?”
“I said I’m sorry.” Nagyon, ang ang soft ng boses nya. Walang mababakas nang galit, inis, coldness. At sobrang namiss ko to. Gusto ko tuloy na kantahan nya ko ng favorite song naming.
“For what?” I asked after kong maalala ang pang-iiwan nya. But that doesn’t change the fact na mahal ko sya. Gusto ko ring marinig ko mula sa kanya yung reason kung bakit nya ko iniwan. Pagtapos nito aamin na ko na mahal ko siya.
“Sorry dahil iniwan kita. Sorry dahil hindi ko natupad yung pangako ko. At sorry dahil…”
“Dahil?”
“Dahil mahal kita.”
Tuluyan akong napangiti sa sinabi nya. Sows! Pareho naman pala e. Nakayuko pa sya nun habang sinasabi yun.
“Ako din.” Wika ko.
“Ha?” Napataas ang ulo nya sa sinabi ko. At dahil nga maputi sya, makikita mong namumula sya.
“Mahal kita.” Dahilan para mas mamula  pa sya. Shet! Mas babae pa sya sakin. Hindi ko na kinaya at natawa na ko ng tuluyan. “Hahahaha… Mas babae ka pa sakin e. Haha. Namumula ka o!” Sabay turo sa muka nya. Magkasing puti lang naman kami pero hindi ako namumula.
“Pag tumawa ka pa hahalikan kita.”
Try me! Wika ko sa isip ko. As if naming makaka-score sya sakin. Kahit mahal ko sya hindi pa rin ako magpapahalik noh! Kahit pa boyfriend ko sya. Saka na pag magpo-propose na sya. Reserved na tong lips ko. Haha.
Inignora ko lang sya at tawa lang ako ng tawa. Napansin kong tototohanin nya yung banta nya kaya naghanda na ko. Hah! You underestimate me too much Mr. Cloud Zamboa!
Nung ilalapit na sana nya yung muka nya sa muka ko ay sinikmuraan ko sya. Sakto lang yun para mapalayo yung distansya ng muka namin. “Excuse me Mr. Cloud! Sabi sayo e! Masyado mo kong minamaliit.”
“Ouch naman! Masakit yun ha!” Tugon naman nya.
“Kasalanan mo! Aba reserved na tong lips ko noh!”
“Para kanino?!”
“Para sa taong magpo-propose sakin at alam kong totoo ito!”
“Edi magpo-propose na ko sayo ngayon din.”
“Hmph!” Tapos tumakbo na ko palayo. Hindi pa ko nakakalayo ng may humatak sa wrist ko.
Excuse me Ms. Skye Zamora and soon to be Mrs. Skye Zamboa. Kala mo makakatakas ka sakin?” Ani ni Cloud. Aba! Gaya-gaya ng line!
“Hmm. Hindi. Kaya nga gagawin ko to e.” Sabay kiss ko sa forehead nya.(Tumingkayad po ako. Matangkad kasi sya.) Tapos sa nose nya saka sa cheeks nya. “Next time na yung lips.” Wika ko tsaka takbo ulit.
“EXCUSE ME!”
Oops! Nakita nila classmate yung kalandian namin! Lagot ako~!
Excuse me. Mga salitang nagpainis sa kanya. Swerte ko na lang at napaamin ko siya gamit yun!”


THE END.


Pero pano kung sabihin kong… saglit lang! Mae-excite ka ba?


“Cloud! Dali! Sabi ni Ma’am Santos kakanta na raw tayo!”
“Ng ano nga?”
“Edi yung favorite song na lang natin!”
“Ha?! College na tayo lahat-lahat di ka pa nakakamove-on doon?”
Sinamaan ko siya ng tingin. Aba! Doon kaya ako nainlababo sa kanya. Sa boses nya! “Edi wag! Di ka naman pinipilit e.”
Tignan natin kung matitiis mo ko. Maya-maya pa ay nagsalita sya. “Sige na nga!”
Yosh! Pumunta kami sa harap tapos sinabi ko kay Ma’am na all set na. Nga pala, nanliligaw na sya sakin. Ang arte! Nagtampo pa dahil daw hindi ko siya sinagot noon. E pano?! Walang ligaw-ligaw?!
“5, 6, 7, 8…”

Ikaw na ang may sabi
Na ako’y mahal mo rin

“Shit! Nakakahiya.” Narinig ko pang sabi nya na nagpangiti sakin.

At sinabi mo,
Ang pagibig mo’y di magbabago

Hayaan mo na Cloud. Mamaya siguradong sasaya ka. Haha.

Ngunit bakit,
Sa tuwing ako’y lumalapit ika’y lumalayo,
Puso’y laging nasasaktan
Pag may kasama kang iba

Di ba nila alam,
Na tayo’y nagsumpaan,
Na ako’y sayo,
At ika’y akin lamang

Nga naman, diba dati nung mga bata pa tayo, nag-promise tayo na tayo lang hanggang huli? And right now, I know its happening.

Kahit anong mangyari,
Pag-ibig ko’y sayo pa rin
At kahit ano pang
Ang sabihin nila’y ikaw pa rin ang mahal

Maghihintay ako kahit kalian,
Kahit na umabot pang ako’y nasa langit na
At kung di ka makita,
Makikiusap kay Bathala

I know na marami pa tayong problemang haharapin. But I promise I will be storng enogh to face it with you. I’m glad na nagkita pa tayo. Is it destiny?

Na ika’y hanapin,
At sabihin, ipaalala sa iyo
Ang nakalimutang sumpaan
Na akoy sayo at ikay akin lamang…”

Matapos naming kumanta ay lahat sila nagsipulan. Ang plano ko kasi, sasagutin ko si Cloud ngayon. Kinonchaba ko pa nga si Ma’am e. Buti talaga pabagets si Ma’am at naintindihan nya ko. ^_^
“Shh. Quiet!” Sabi ni Ma’am. Tinanguan ako ni Ma’am as a sign na magsimula na ko.
“Ahh. Cloud, mahal kita.”
“Alam ko.”
“Haist! Patapusin mo ko, okay?!” Sabat kasi ng sabat eh. Nagtawanan naman sila Ma’am. “Okay. Mahal kita at mahal mo ko. Nanliligaw ka ngayon. Sa AKIN. So pwede kitang bastedin ngayon. P--,”
“Ano?! Basted ako?!”
“SAGLIT NGA DIBA?!” Ayan! Sinagawan ko na. Ang kulet e. “Hindi ka nga basted e! Sa totoo lang YES ang sagot ko! Girlfriend mo na ko.”
Napanga-nga naman siya sa sinabi ko. See? Ang kulit e. “Talaga?”
“Oo.”
“Talagang-talaga?”
“Oo nga!”
“Yes! Wala nang bawian!” Tapos nagtatatalon siya sa harap ng klase. Napaface-palm lahat ng lalaki kasama na ako. Pero si Ma’am Santos at ang kaklase kong babae? Eto lang naman ang sinabi,
Excuse me! Kinikilig kami!”
Excuse me din. Kinikilig din kasi ako eh! >___< Pwede ba?




FIN.
(Eto, seryosong end na talaga siya.) ^___^V


EXCUSE ME! EXCUSE ME! EXCUSE ME! Ako din! Miski ako na author kinikilig! Haha. Hello! New one shot ko! ^___^
VOTE. COMMENT.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento