Biyernes, Oktubre 3, 2014

Excuse Me!

Excuse me! (ONE SHOT)
© Copyright 2014 by Iantatolala
Excuse me. Mga salitang nagpainis sa kanya. Swerte ko na lang at napaamin ko siya gamit yun!”
à Secret na lang kung sino ako. Basta basahin nyo na lang. ß

“Anak! Anak! Gumising ka na! Male-late ka nanaman!”
Dali-dali akong bumangon mula sa pagkakahiga. Tinignan ko yung alarm clock ko na hindi man lang tumunog.
7:45
Shet!!! Lagot nanaman ako neto kay Sir! Papa-good shot na nga ako dahil 4th year na ko e! Bakit ba kasi hindi tumunog tong alarm clock na ito. “Sira ata to e. Tsk! Kaazar naman!”
“Anak! Gising ka na ba?!”
“Eto na po Ma! Gising na ko!”
Dumeretso na kong banyo saka naligo. Maitapon nga yung alarm clock na yun! -___-+++ Pagtapos kong maligo ay agad akong nagbihis ng uniform ko. Time check: 7:55! Putek na yan!
Tumakbo ako papuntang kusina at kumuha ng isang pirasong pandesal. Yae na mamaya! Ikakain ko na lang to sa canteen. Lalayas na sana ako ng bahay ng tinawag ako ng magaling kong ina.
“Yung baon mo!” Sigaw niya. Haist! Nga pala.
Bumalik ako ng bahay saka kinuha sa kanya yung baon ko at takbo papuntang waiting shed kung saan may antayan ng jeep papunta sa school. Habang tumatakbo, may nakita akong lalaking nakatayo na nag-aantay din. Ka-schoolmate ko ata e. Pareho kami ng uniform. Pero syempre panlalaki kanya. Baka sabihin nyo bakla e. Lalaki nga e.  Sasakay na sana siya ng jeep nang unahan ko sya.
Excuse me!” Wika ko.
Sorry din po kuya! Nagmamadali lang e. Next time ka na lang. ^_^v
Paghinto ng jeep sa tapat ng school ay bumaba agad ako. Tingin sa orasan. Shet! 7:58. Dalawang minuto na lang. Kung nagtataka kayo na tatlong minuto lang ang byahe ay dahil malapit lang naman ang aming mansion este! Bahay lang pala.
Tumakbo ako ng classroom at dahan-dahang binuksan yung pinto. Pagkabukas ko, nakahinga ako ng maluwang ng wala pa yung guro namin. “Hay, salamat! Wala pa si Sir!”
“Ano iyon Ms. Zamora?” Wika ng isang tinig sa likod ko. Oh shit! Si Sir!
“Ah-eh, wala po yun sir!” Tugon ko naman sa kanya tapos pumunta na ng upuan. Pagkaupong-pagkaupo ko ay dinakdakan nanaman ako ng kaibigan/ate/nanay/seatmate ko. Oh diba? All in one! Si Kylie Dalicson lang ang nakakagawa nyan!
“Ikaw na babae ka! Bakit late ka nanaman---,”
“Hindi ako late.”
“At least muntikan na. So muntikan ka na ring ma-detention. Ulit! Gosh! lkaw na babae ka, ano nanaman bang ginawa  mo kagabi at late ka nanamang nagising. Apat na taon na natin tong routine. Buti na lang at nauna kang pumasok sa classroom kesa kay Sir. Alam mo naming terror yan kahit ganyan yan ka-gwapo. Aba maglilinis ka nanaman ng cr---,”
And then her babblings go on. See? Ganyan yang dakila kong bestfriend e. And totoong gwapo si Sir. At first natutuwa ako dahil may gwapo kaming teacher na tatayo sa harap namin buong magdamag at magtuturo ng physics. Pero nakilala namin sya at nalamang sobrang sunget ni Sir!
“---Tsaka—Hoy, babae, nakikinig ka ba?” Tanong nya.
“Uh. Hindi.”
“Ano nanaman bang---,”
“Ms. Dalicson! I’m discussing something here and you are telling nonsense to your seatmate! Can you please repeat what I said?!” Galit na asik ni Sir ka Kylie.
“You said that the law of acceleration is---,”
Buti na lang talaga at matalino tong isang to. Hindi mapunta-punta sa detention. E ako? Kuh! Asa naming pahuhuli ako noh!
“---the---,”
*BOOGSH*
Natigil ang lahat (pati si Sir) sa kanilang ginagawa at napatingin sa kanya. Sa lalaking walang pakundangang binuksan ng pabalibag ang pinto.
“Mr. Zamboa! You are late! Again!” Asik ni Sir.
“I know.” Wika naman niya. Grabe! I salute him. Siya lang ang kayang gumanyan kay Sir. Kaya mahal na mahal ko siya e. Sabagay, magkapatid nga din pala sila. Yeah. Magkapatid sila. Pero sabi half lang daw dahil anak daw sa labas si Sir. Ay, ang sama ko.
“Detention after class!”
Hay. Kawawa naman siya. Lagi na lang siya nade-detention. May green slip nanaman. Tsk pareho nga kami ng bilang e. Oo binibilang ko talaga. E bakit ba? Kina-career ko e. Tsaka pag mahal mo ang isang tao, di ka mapapagod tignan sila saka subaybayan. Tsk! Sana---
“Ms. Zamora!”
--Talaga mapansin nya---
“Ms. Zamora!”
“Sir?!” Sabi ko sabay tayo.
“Detention!” Awwe! Oh well, sanay na naman ako. Last na talaga to pramis. Baka di ako pa-graduatin eh.
Natapos ang klase ni Sir ng tahimik. Wala e. Natakot ata dahil kayang-kaya magpadala ni Sir ng limang estudyante o kaya base sa ilan ang gusto nya. Pag may topak naman si Sir, kaya nyang magpadala ng lima. Eek! Kawawa nga kami e.
Natapos na rin ang buong araw namin na puro aral. Waaah! Pupunta na kong detention room. Huhu. Makikita ko nanaman si Pres. Si Pres. Ay isang good boy. Kaya nga sya naging president e. At dahil kaibigan ko sya ay tatakas na lang ako. Whaha. Ay! Papa-safe na lang pala ako. ^_^
Binuksan ko yung detention room at naabutan syang nagsusulat ng kung ano. Agad akong lumapit sa kanya at inakbayan sya. Tch. Close ako sa mga lalaki kaya wag kang magtaka. Huh! Swerte ko na lang.
“Pres.! Hello!” Bati ko.
Tumingin sya sakin pero walang bakas na gulat na rumehisto sa muka nya. Sanay na ata. -___-+++
“Ikaw nanaman?” Tanong nya.
“Pres. Naman! Parang pinagtatabuyan mo na ko nyan. Ayaw mo na ba sakin?” Kunwaring iyak ko pa.
Tumawa naman sya sa inakto ko. “Stop doing that. You look like a child.” Wika nya habang nakangisi. Eto ang Pres.  na nakilala ko. Haha.
“Bakit, cute ba ko? Effective na ba?” Tas nag-pout pa ko. Pout ba tawag dun?! ?_? Nilapit ko pa ang muka ko. Wala namang malisya e. Tsaka parang kuya ko na sya noh. Walang talo-talo. Hindi rin kami incest. “Insan, please?” ^3^
Hehe. Magpinsan kaya kami. Pero walang nakaka-alam. Haha. “Ge na ng--,”
Bago sya matapos ay bumukas yung pinto at iniluwa sya nun. Ang pinakagwapong lalaking minahal—este! mahal,(lang pala) minamahal, at mamahalin ko. At ang malala, naabutan nya kami sa ganung posisyon. Eep! Lagot!
I was expecting him to be jealous. Pero bigo ako dahil gulat lang ang nakita ko sa muka nya at balik na sa dating expression. Cold. He was known in our school as a cold person. Kaya nga minsan iwas ako sa kanya. Hindi man halata ay isa akong sensitive na tao. Syempre babae pa rin ako noh! Hindi mabilang na excuse me ang palusot ko para umiwas. Wala e. Mahal ko sya. Nagiging iyakin ako pagdating sa kanya. Wanna know why I love him?
FLASHBACK
“Lalalalala… Hihi. Hello Princess Jane!”
“Hello Princess Lara!”
“How are--,”
Naglalaro ako ng dolls ko galing sa Papa ko ng may umagaw nito.
“How pathetic she is. Local dolls? Such a trash.” Wika ng babae na sa tingin ko ay mas matanda sa akin ng dalawang taon. Kung ako eight, she’s already ten.
“Yeah right. Our dolls are from America and Europe. Yours were just from,” Wika pa nito.
“… bengketa?” Maarteng pagkakabigkas ng isa sa kaibigan nya.
Hindi ko na kinaya at napaiyak na ko. “Let’s destroy her fake dolls! Its so masakit sa eyes e!” Wika naman ng isa pa.
Mas lalo akong napaiyak ng harap-harapan nilang pinagsisira ang laruan ko. Bigay sakin yun ni Papa! Bago namatay si Papa. Bago sya maaksidente. Nang matapos nila sirain yun ay lalapitan na sana nila ako ng may isang batang lalaki na ka-age nila ang humarang sa kanila papunta sakin. Parang siyang shield ko. Para syang Papa ko. Huhu.
“Stay away from her!” Sigaw nito. Natulala ang mga ito. Maya-maya pa ay muka namang nakabawi na sa gulat yung tatlo at agad na nag-sorry.
“Sorry Prince!” Is he some kind of a royal? From a royal blood? Bakit Prince? Prinsepe ba sya? Pano nagkaroon dito sa Pinas ng prinsepe?
“Not me. To her.” Tapos tinuro ako ng lalaki.
Bumaling sakin yung tatlo at nag-sorry. Pagtapos ay tumakbo na sila palayo. Ang galing nga dahil natigil ako sa pag-iyak e. Nung humarap sakin yung lalaki ay nanlaki ang mata ko dahil totoong prinsepe sya. Ang gwapo! Natauhan ako ng ibigay nya sakin ang sira-sirang barbie doll.
Once again, umiyak ulit ako ng umiyak. “Shh. Wag ka nang umiyak. Play ka na lang ulit ng doll mo.” Sabi pa nya.
“Pano ako magp-play nyan? E sira na nga yan e!”
“Haha. Oo nga no.” Wika nya habang natatawa sa sarili. Na-gets ata nya yung sinasabi ko. Bakit? Totoo naman ha? Pano ko yun malalaro? “Sige. Bukas may ibibigay ako sayo. Punta ka ulit dito, okay?”
“Pano kung bumalik sila?”
Ngumiti muna sya bago sumagot. “Hindi na sila babalik. Saka pag bumalik sila, andito lang ako. Okay ba yun?” Tumango naman ako bilang sagot.
Kinabukasan pumunta ako doon at naabutan ko syang nag-aantay. Lumapit ako sa kanya pero di nya ata ako napansin. Kinalabit ko sya. “Excuse me. Andito na po ako mister.”
Napatalon sya sa pagkakaupo na dahilan ng pagtawa ko. “Oh! Maganda ka pala pagtumatawa e.” Sabi nya.
“Thank you!”
May kung ano syang inilabas sa likod nya at nakita ko yung doll ko na ayos na. “Waaaah! Si Princess Jane at si Princess Lara!” Lumapit ako sa kanya saka kinuha ang mga ito. Nakilala ko agad sila dahil may pangalan sila. Dahil sa sobrang tuwa ay niyakap ko sya. And then three years kaming ganun. Lagi syang nakikipaglaro sa akin. Until that time came.
He told me na aalis sila ng bansa. Sabi nya mag-antay ako ng isang taon. So nag-antay ako. Pero dumating yung oras na napagod ako sa kahihintay. Lagpas isang taon na kasi ako nag-aantay. Lumipat kami ng bahay at eto na. Doon na kami naninirahan sa bahay naming ngayon.
END OF FLASHBACK
Ngayon, I’m already sixteen. Eight years na ang nakalipas pero nakilala ko agad sya. Sya kaya? Naalala nya ko?
“Insan, pwede ka nang makaalis.” Bulong ni Dane.
“Okay. Thanks, insan.”
Lalabas na sana ako ng makita kong nakaharang sya sa pinto. “Excuse me.”
Tumabi naman sya. Hay. Kahit anong iwas ko mahal ko pa rin sya. Umalis nga yung katawan ko malapit sa kanya, nag-stay naman yung puso ko malapit sa kanya. Ang kaibahan lang, sobrang lapit sa kanya ng puso ko. Nakakulong pa nga ata e. Hindi na kasi makawala.
Haist! Ang corny ko! Makauwi na nga.

Kinabukasan, maaga ako sa school. Papasok na san ako ng classroom ng makita kong nakaharang sya. And as usual, ”Excuse me.” Tumabi ulit sya. Pero taimtim kong pinagdadasal na sana, next time, hindi na sya tatabi dahil kakausapin pa nya ko.
Natapos ang buong umaga ko ng walang nangyayaring kakaiba. Except na lang hindi ako dinadakdakan ni Kylie. Muka ngang nasa cloud 9 e. Tss. Ngayon naglalakad ako papuntang canteen dahil lunch na namin. Iniwan ko sa classroom si Kylie dahil hindi ko makausap ng matino. -___-+++
Habang naglalakad, nakabunggo ko yung mean girls. Tatlo sila. Natapunan ko pa ng dala kong tubig yung leader nila. Uh-oh. Seems like trouble.
“What the hell!”
“Sorry.” I muttered.
“Bakit ba hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?!” Sigaw nito sa akin.
“Sorry.” Pag-uulit ko. Baka di narinig.
“Anong magagawa ng sorry mo?! Natapunan mo yung damit ko, matutuyo ba to?”
“Aba! Edi patuyuin mo! Problema ba yun?!” Wika ko. Hindi ko na natiis e. Lumalaban na kaya ako ngayon. Kala mo sobrang bait ni Pres. Dane? Sya nagturo sakin mang-trashtalk sa bahay.
Nakita kong nanggagalaiti naman yung babae sa inis. “You!” Sasampalin n asana nya ko ng may kamay ang pumigil dito.
“Don’t hurt her.” Ani nito sa malamig na tono. Muntikan na kong mapangiti dahil niligtas nya uli ako after many years. Napansin kong mas lumalim ang boses nya. Pero hindi nito maiaalis na sya pa rin yung batang yun na nakilala ko. Yung batang lalaking nagtanggol sakin at laging kumakanta para sa akin. Pero diba iiwas ako? Haist! Iniwan kaya nya ko.
Mukang nastarstruck yung babae dahil kinausap sya niya. E sa gwapo nga sya diba?
“Okay ka lang?” Tanong nya sakin.
So now he’s concerned. To me. Napangiti tuloy ako. Sa isip ko, okay?
Tumango lang ako at sinabing, “Excuse me.”
Naglakad na ako palayo after kong sabihin yun. Lumipas ang araw at buwan hindi ko na sya nakakausap. Kahit sa simpleng excuse me ko lang. Ngayon ay last day na ng klase namin at gusto ko nang umamin. Kahit may konting galit pa sa puso ko. Hindi nyo naman ako masisisi kung magalit ako, right?
Habang naglalakad ay hinahanap ko sya nang may nabunggo ako. “Sor--,” Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng hilain nya ako papunta sa isang vacant classroom.
 “Sorry.” The first thing he said after manahimik ng ilang minuto.
“Huh?”
“I said I’m sorry.” Nagyon, ang ang soft ng boses nya. Walang mababakas nang galit, inis, coldness. At sobrang namiss ko to. Gusto ko tuloy na kantahan nya ko ng favorite song naming.
“For what?” I asked after kong maalala ang pang-iiwan nya. But that doesn’t change the fact na mahal ko sya. Gusto ko ring marinig ko mula sa kanya yung reason kung bakit nya ko iniwan. Pagtapos nito aamin na ko na mahal ko siya.
“Sorry dahil iniwan kita. Sorry dahil hindi ko natupad yung pangako ko. At sorry dahil…”
“Dahil?”
“Dahil mahal kita.”
Tuluyan akong napangiti sa sinabi nya. Sows! Pareho naman pala e. Nakayuko pa sya nun habang sinasabi yun.
“Ako din.” Wika ko.
“Ha?” Napataas ang ulo nya sa sinabi ko. At dahil nga maputi sya, makikita mong namumula sya.
“Mahal kita.” Dahilan para mas mamula  pa sya. Shet! Mas babae pa sya sakin. Hindi ko na kinaya at natawa na ko ng tuluyan. “Hahahaha… Mas babae ka pa sakin e. Haha. Namumula ka o!” Sabay turo sa muka nya. Magkasing puti lang naman kami pero hindi ako namumula.
“Pag tumawa ka pa hahalikan kita.”
Try me! Wika ko sa isip ko. As if naming makaka-score sya sakin. Kahit mahal ko sya hindi pa rin ako magpapahalik noh! Kahit pa boyfriend ko sya. Saka na pag magpo-propose na sya. Reserved na tong lips ko. Haha.
Inignora ko lang sya at tawa lang ako ng tawa. Napansin kong tototohanin nya yung banta nya kaya naghanda na ko. Hah! You underestimate me too much Mr. Cloud Zamboa!
Nung ilalapit na sana nya yung muka nya sa muka ko ay sinikmuraan ko sya. Sakto lang yun para mapalayo yung distansya ng muka namin. “Excuse me Mr. Cloud! Sabi sayo e! Masyado mo kong minamaliit.”
“Ouch naman! Masakit yun ha!” Tugon naman nya.
“Kasalanan mo! Aba reserved na tong lips ko noh!”
“Para kanino?!”
“Para sa taong magpo-propose sakin at alam kong totoo ito!”
“Edi magpo-propose na ko sayo ngayon din.”
“Hmph!” Tapos tumakbo na ko palayo. Hindi pa ko nakakalayo ng may humatak sa wrist ko.
Excuse me Ms. Skye Zamora and soon to be Mrs. Skye Zamboa. Kala mo makakatakas ka sakin?” Ani ni Cloud. Aba! Gaya-gaya ng line!
“Hmm. Hindi. Kaya nga gagawin ko to e.” Sabay kiss ko sa forehead nya.(Tumingkayad po ako. Matangkad kasi sya.) Tapos sa nose nya saka sa cheeks nya. “Next time na yung lips.” Wika ko tsaka takbo ulit.
“EXCUSE ME!”
Oops! Nakita nila classmate yung kalandian namin! Lagot ako~!
Excuse me. Mga salitang nagpainis sa kanya. Swerte ko na lang at napaamin ko siya gamit yun!”


THE END.


Pero pano kung sabihin kong… saglit lang! Mae-excite ka ba?


“Cloud! Dali! Sabi ni Ma’am Santos kakanta na raw tayo!”
“Ng ano nga?”
“Edi yung favorite song na lang natin!”
“Ha?! College na tayo lahat-lahat di ka pa nakakamove-on doon?”
Sinamaan ko siya ng tingin. Aba! Doon kaya ako nainlababo sa kanya. Sa boses nya! “Edi wag! Di ka naman pinipilit e.”
Tignan natin kung matitiis mo ko. Maya-maya pa ay nagsalita sya. “Sige na nga!”
Yosh! Pumunta kami sa harap tapos sinabi ko kay Ma’am na all set na. Nga pala, nanliligaw na sya sakin. Ang arte! Nagtampo pa dahil daw hindi ko siya sinagot noon. E pano?! Walang ligaw-ligaw?!
“5, 6, 7, 8…”

Ikaw na ang may sabi
Na ako’y mahal mo rin

“Shit! Nakakahiya.” Narinig ko pang sabi nya na nagpangiti sakin.

At sinabi mo,
Ang pagibig mo’y di magbabago

Hayaan mo na Cloud. Mamaya siguradong sasaya ka. Haha.

Ngunit bakit,
Sa tuwing ako’y lumalapit ika’y lumalayo,
Puso’y laging nasasaktan
Pag may kasama kang iba

Di ba nila alam,
Na tayo’y nagsumpaan,
Na ako’y sayo,
At ika’y akin lamang

Nga naman, diba dati nung mga bata pa tayo, nag-promise tayo na tayo lang hanggang huli? And right now, I know its happening.

Kahit anong mangyari,
Pag-ibig ko’y sayo pa rin
At kahit ano pang
Ang sabihin nila’y ikaw pa rin ang mahal

Maghihintay ako kahit kalian,
Kahit na umabot pang ako’y nasa langit na
At kung di ka makita,
Makikiusap kay Bathala

I know na marami pa tayong problemang haharapin. But I promise I will be storng enogh to face it with you. I’m glad na nagkita pa tayo. Is it destiny?

Na ika’y hanapin,
At sabihin, ipaalala sa iyo
Ang nakalimutang sumpaan
Na akoy sayo at ikay akin lamang…”

Matapos naming kumanta ay lahat sila nagsipulan. Ang plano ko kasi, sasagutin ko si Cloud ngayon. Kinonchaba ko pa nga si Ma’am e. Buti talaga pabagets si Ma’am at naintindihan nya ko. ^_^
“Shh. Quiet!” Sabi ni Ma’am. Tinanguan ako ni Ma’am as a sign na magsimula na ko.
“Ahh. Cloud, mahal kita.”
“Alam ko.”
“Haist! Patapusin mo ko, okay?!” Sabat kasi ng sabat eh. Nagtawanan naman sila Ma’am. “Okay. Mahal kita at mahal mo ko. Nanliligaw ka ngayon. Sa AKIN. So pwede kitang bastedin ngayon. P--,”
“Ano?! Basted ako?!”
“SAGLIT NGA DIBA?!” Ayan! Sinagawan ko na. Ang kulet e. “Hindi ka nga basted e! Sa totoo lang YES ang sagot ko! Girlfriend mo na ko.”
Napanga-nga naman siya sa sinabi ko. See? Ang kulit e. “Talaga?”
“Oo.”
“Talagang-talaga?”
“Oo nga!”
“Yes! Wala nang bawian!” Tapos nagtatatalon siya sa harap ng klase. Napaface-palm lahat ng lalaki kasama na ako. Pero si Ma’am Santos at ang kaklase kong babae? Eto lang naman ang sinabi,
Excuse me! Kinikilig kami!”
Excuse me din. Kinikilig din kasi ako eh! >___< Pwede ba?




FIN.
(Eto, seryosong end na talaga siya.) ^___^V


EXCUSE ME! EXCUSE ME! EXCUSE ME! Ako din! Miski ako na author kinikilig! Haha. Hello! New one shot ko! ^___^
VOTE. COMMENT.

Lunes, Agosto 25, 2014

What is Love?

°°°°°°
"Minsan,may magandang naidudulot rin pala ang pagiging curios." -Steffanie Mae Periodico.
••••••
Steffanie's POV
Naranasan nyo na bang magmahal? Yung pakiramdan na may minamahal at mahal ka rin pabalik? ako kasi, hindi. Hindi naman sa nagmamadali ako. Kaso naaasar na ko sa kapatid kong mas bata sakin. He's a boy pero ang landi-landi nya. Psh.
Napansin ko namang pumasok na yung adviser namin pero di ko na lang pinansin.
Ako nga pala si Steffanie Mae Periodico. 4th Year highschool and sixteen years old na ko. Description ba?
Matangos ang ilong.
Maputing balat.
Smooth skin.
Sexy.
Soft and silky hair.
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
Yan ang itsura na pinapangarap ko.
Whahahahahaha... Joke lang. Di naman talaga ako pangit. Di rin naman ako ganun kaganda. Fair lang. Average type ba?
"Okay, attention class." tawag pansin samin ni Ma'am Santos. "We have a new student. So I'm assigning Steffanie to tour him in this school. Is that okay with you?"
"Opo."
Bakit ba ako in-assign ni Ma'am Santos? Oh well, matataas kasi ang grades ko. Sabihin na nating kasali ako sa honor roll. Inantay na naming pumasok yung new student.
"Iho." tawag ni ma'am.
Pumasok  yung new student at nanlaki na lang ang mata ko pagkapasok nya. Nalaglag ang panga ko sa... ummm, gwapo nya?
lub dub
lub dub
lub dub
Heart, time first. Bakit ba ang lakas ng tibok mo? Wag masyadong malakas ha? Baka may makarinig sayo eh! -3-
"Hi. I'm Sergio Angelo Valino. 17 years old. Please take care of me." wika nya sabay ngiti ng pamatay.
Ahhhhhh! holo! holo! Kinikilig ako! Eto na ba yung tinatawag na love?! Yung love at first sight? Kasi kung oo, di ko sya ine-expect. Grabe! Parang sasabog na yung dibdib ko sa lakas ng tibok ng puso ko. Tapos parang bumagal yung oras? Huh? Wala pa ngang one minute sya nagpakilala e.
Hay! I'm such an innocent girl when love becomes the topic. -3-
"Please seat on the third row, third column."
Huh?! Katapat ko sya?! Nakaupo ako sa fourth row, third column. Shocks! Parang gaganahan na ko pumasok ha? Hay. Ta-try ko ngang magtanong-tanong tungkol sa LOVE. Aba! Malay ko ba ang ibig sabihin nun?! -/////-
Umupo na yung Sergio sa designated seat nya.
"Hi." wika nya sa katabi nya. Napakunot ang noo ko ng ngumiti ng malandi si Marie. Putek. Flirt nga pala yang Marieng yan. Ano ba yan! Ang sarap nyang ipakain sa babies. (Yung biscuit na Marie yung tinutukoy ni Steff! ^_^ Whahaha... Pagpasensyahan na po.)
Ang sarap nyang itapon sa bermuda triangle! Shet!
Inirapan ko na lang ng palihim yung Marieng yun at pilit na pinapatay sa isipan ko.
"Hello." Bigla namn akong namula ng kausapin ako ni Sergio a.k.a. the new student.
Natulala na lang ako at di makasagot. Shet! Umayos ka Steff! Muka kang tanga. Magsalita ka!
Tuluyan na kong di nakasagot kaya sa iba na bumaling si Sergio. Hay. Tinapay na naging bato pa. Tsk. Tsk. Hayaan mo next time. May kasama nang kiss. Joke.
Natapos ang klase at hinihintay ko sya lumabas ng klase. Remember? Ito-tour ko sya. Napansin kong lumabas na sya kaya nilapitan ko agad sya.
"Uy, ano. Sabi ni ma'am ilibot daw kita sa buong school ground."
Ngumiti naman sya kaya ngumiti din ako. Buti nga di ako hinimatay saka di rin ako natulala. 
Oa mo naman Steff.
Ano ka ba otor. Ganun talaga pag may crush. hihi. "Sige." ani ni Sergio.
Mula sa floor namin na 4th floor e nilibot ko sya. Pinakita ko sa kanya yung comp. lab. Science lab. At madami pang iba. Natapos na kami siguro mga  6:43 na. Medyo madilim na din e.
"Salamat nga. pala. Sana madami akong makilala na tulad mo." wika nya.
Huh? Tulad ko? "Tulad kong madaldal?"
"Haha. Hindi. Yung mabait saka pasensyosa."
"Sus! Ok lang naman na magkulit ka e. Basta sakin lang ha?"
Yan sana ang gusto kong sabihin kaso wag na. Mahiya naman daw ako sabi ni otor. "Hmm. Okay lang naman talaga e." sabi ko. "Sige una na ko. Madilim-dilim na din e."
"Gusto mo sabay na tayo?"
"Huh?! Wag na, wag na. Sa Sampaguita St. pa ko e." Sana pilitin mo ko. Sana pilitin mo ko. Joke lang yun na wag mo na kong ihatid. Syempre pakipot muna diba?
"Hindi okay lang. Saka madadaanan ko naman yung st. nyo e. Gumamela st. lang naman ako e."
Oh?! Magkalapit lang pala kami?
"Sige na nga."
Habang naglalakad kami marami din akong nalaman tungkol sa kanya. Mahilig syang magbasketball. Crush nya si Allysa Valdez na volleyball player. Sana ako na lang sya. :(  Favorite shirts nya daw is v-neck shirts. Favorite pose nya ay thumbs up. Matignan nga sa facebook. Drinks na paborito-- san mig light. At paborito nyang pagkain ay cookies. Magawan nga sya. :D
At syempre ako din. Nagkwento ng tungkol sakin. Minasan nga naiisip ko, sana magkagusto sya sakin. whahaha. Pero pano sya magkakagusto sakin kung di ako maganda? Wala akong panama sa crush nyang si Allysa. Psh.
Lumipas ang days, weeks and months. Nakakausap ko sya pero di kami ganun ka-close. Naglipatan na ng seating arrangement naging katabi ko sya. Feeling ko nga sasabog na ko sa sobrang pula e.
Mamaya magtatanong na ko tungkol sa love.
Nag-break na kaya nilapitan ko na si Janina.
"Wuy,bakla, pasagot naman ng tanong ko!" sabi ko kay Janina..
"Basta bakla dalian mo ha! May pagpapantasyahan este magde-dreamland pa ko eh!" tugon naman nya.
Sya nga pala si Janina Shiza Aquino, kasama sa tropa namen. Ayan yung love expert sa tropa namin. ^_^
"Oo, mabilis lng nman eh. What is Love?" bigla kong tanong.
Yosh! Natanong din. Parang may drumrolls sa paligid tapos pasuspense pa yung effects
"Bakla! Sang planeta ka ba galing?!" di makapaniwalang tanong ni Janina. "Love, yan yung
yung
yung
yung----"
"Teka nga! Pasuspense ka pa e! Bwisit!" E sa kinakabahan ako e.
"Aish! Sige na nga. Ayan yung nararamdaman mo sa isang lalaki.
Lagi mo sya iniisip...
Hay, kamusta na kaya si Sergio? Bakit sya absent? Sana ayos lang sya. Sana bukas pumasok na sya. Miss ko na sya e. Hmph. T_T
Pag nakikita mo sya bumibilis tibok ng puso mo...
Naglalakad ako sa hallway ng makasalubong ko si Sergio.
lub dub
lub dub
lub dub
Parang bumabagal o nag-stop yung oras...
Nung nagpakilala sya sa classroom nung first day.
Parang may bulate sa tyan mo pag nakikita mo sya...
Oh noes,bakit paang may nagkabuhol-buhol sa tyan ko ng makita kong nakangiti si Sergio?!
Nabibwisit, naiinis o nababadtrip ka kapag may kasama syang ibang babae...
Nasa classroom ako at nagsusulat ng marinig kong naghaharutan sila Sergio at si Marieng biskwit. Alam mo yung badtrip???...
AKO YUN EH! PUTSPA!!! Ang lande talaga ng biscuit na yun!
Pag ngumiti o tinitigan mo sya parang may fireworks sa paligid...
Tinitignan ko lang si Sergio dahil natutulog sya ngayon. hihi. Ganda ng view, tas parang may spark pa pag tinitignan ko sya.*badum...badum...badum* (I really suck at sound effects. Sorry.)
and lastly...
Sya lang ang nasaisip mo habang sinasabi ko lahat yun sayo! ^_^," litanya nya.
Anu ako ngayon???
TULALEY!!! What the fuss?! So ibig sabihin mahal ko sya, pero...pero...
Kala ko.....
LIKE LANG??? Oo nag level up na. Dati diba sabi ko sa inyo crush ko sya? E sino ba namang di mafa-fall e lagi ko syang tinitignan. Katabi ko sya. Minsan niyayaya nya kong sabay kami kumain. Para sakin date yun. :P
Put tang in a glass talaga o!!! Now I know... Kaya pala.
Pero di ako magco-confess noh! La naman akong pag-asa! Sikat kaya sya dahil sya ang basketball captain! Pero magka-classmate kami.
So nagtanung na lang ako sa iba ko pang classmate. Pero wala naman akong nakuhang matinong sagot. Puro...
'I don't care'
'Don't know'
'IDK'
'IDC'
'Try to ask bebang'
"May itatanong ka?! Okay?! Pero wag ka magtanong tungkol sa pag-aaral ah. Pero kung itatanong mo kung may gf na ko? Wala at pwedeng-pwede kang mag apply."
O diba?! Nakakabastos lng?! Pero may isa na lng akong di tinatanong eh. Si Sergio Angelo Valino.
Eh panu yan!? Nahihiya pa naman ako. Pero kailangan kong i-take ang risk e. Woooh! Go Steff!
"Ummm... S-Sergio,may tanong sana ako eh." nahihiya kong sabi.
Tanungin mo ba naman sa MAHAL mo kung ano yung pagmamahal, diba?!
"Uh ano ba yun? basta wag lng chemistry ah!" sabi nya. Haha. So ayaw nya pala sa subject na chemistry. Pero ako fave. subjct ko yun. So talaga bang paninindigan namin ang opposites do attract?
Haha.  Joke lang syempre! As if naman noh!
"Haha. di naman yun tanong ko eh. Tanong ko sana eh kung ano yung love?" tanong ko. Waaah! kinakabahan ako.
"Steffanie Mae Periodico," sya.
"H-ha? Di ko naman tinatanong whole name ko eh!" ako.
"Diba tinatanong mo kung ano yung love? ang sagot ko ang pangalang mo!" sya.
"H-ha? P-panong ako? B-baket ako?" ako.
Huminga muna sya ng malalim sabay sabing...
"Pangalang mo ang sinabi ko kase nga.....









I Love You!"

****

Airplane Counting

•••
Copyright © 2014 by Iantatolala
Nakaupo ako ngayon sa isang swing sa park ng village namin. Iniisip yung sinabi saken ni Sheena. Tae kasing babae yun e. Lakas mang-asar porke't Bf nya na yung dating pinapangarap nya. At eto pa, pinapamuka saking isa akong malaking ignorante pagdating sa pag-ibig. NBSB kasi ako, at 4th year college na ko. In fact, malapit na kaming gumraduate. Two months from now kaya super busy.
Okay, back to topic, maganda naman ako. 'weh?'
mabait naman ako. 'owws?'
matalino naman ako. 'maniwala?'
musunurin, 'di nga,'
pero bakit wala akong lovelife?! 'yun yun e!'
Hay, sabi nga ng iba perfect daw ako. Pero bakit tinalo pa ko ng mga panget kung magkaroon ng boyfriend?!(Peace guys) As in yung boyfriend na super loyal. 'baka daw bugbugin sila,' yung boyfriend that loves you and your flaws. As in yung boyfriend na ideal guy ng lahat. Hayyy, pero sabi nga nila, Loving an imperfect person is seeing him perfectly.
~whoooshhhhhh~ ~booogshhh~ (sorry sa sound effects)
Aray! Nubayan, nag-eemo yung tao e!-__- Pero ano to?! Papel?!
Tinignan ko yung papel dahil inatake nanaman ako ng kyuryosidad. May nakasulat dun, so binasa ko.
'Kapag nakakita ka ng isang eroplano sa gabi at binilang mo ito sa bawat araw, at pinagpatuloy mo ito ng isang linggo. Sa huling araw, kung sino man ang makabunggo mo, sya ang para sayo.'
After kong basahin yung sulat ay literal na napanga-nga ako. Ano to? himala? coincedence? hulog ba to ng langit? Kasi kung oo, nagpapasalamat ako sa kanila. On time pa ang pagbagsak. Thank you Lord.^_^
After that thankful event, dumeretso na kong bahay at natulog.
Monday na, excited na ko para mamayang gabi. Sana may airplane. Naglalakad ako sa corridor ng may lalaking bwisit na sumulpot. "Zambrie-zombie~," he said in a sing-song voice. Pero wait, did he just insult my name?!
"Hoy, Yexer! Sino nagsabi sayung insultuhin mo pangalan ko?!"
"Wala, ako lang." aniya. "Any problem?"
"Meron! Aba, insultuhin mo ba naman yung pangalan ko ng harap-harapan?!" sigaw ko, pero ang loko, ngumisi lang!
"So gusto mo nakatalikod ka?" wika nya pero inirapan ko lang siya. "Atsaka bakit ba katunog ng zombie yung pangalan mo?"
"Pake mo ba?! Atsaka Brie--Brie ang itawag mo saken kung may problema ka sa pangalan ko!"
"Of course I care, soon to be girlfriend and future wife kaya kita." bulong nya.
Ano daw sabi nya? Pero, pake ko ba?! tss. Inirapan ko na lang uli sya bago nagpatuloy sa paglalakad papuntang room. Pagdating ko, deretso upo na ko at sakto namang pagdating na aming proffessor at nag lecture na. All day, excited ako para ngayon. Yup its night already. Narito ako ngayon sa balcony, nakahiga sa duyan at nag aantay ng dadaan na airplane.
~whoshhh, whoshhh,~
"Ayun! Yes! Buti may dumaan. Six na lang."
Hay salamat naman. Pero I wonder, sino kaya yung para sakin. Aish bahala na nga. Matutulog na ko. May pasok pa pala. Yae na, malapit na nman na e.
Today is Tuesday, and as always I'm looking forward pa ren para mamaya. Vacant ko right now at nasa garden ako. Hay, may nakita nanamn akong couple na ubod ng sweet. tss. 'Budburan ko kayo ng asin e' I whispered. Hay, I can't help not to be bitter. Nakakainggit. Yaan na last subject na lang naman e.
"Uy Zombie, para kang binagsakan ng langit at lupa." Psh, sino pa ba ang walanghiya na tatawag sa beautiful fes ko ng zombie?! Walang iba kundi ang nag iisang Yexer Kyle Dominguez.
"You care?"
"I care because I care,"
"Mind your own business,"
"You are my business."
"How?"
"Its just that,"
And the rest ay kinulit, ininsulto, pinikon at inasar lang ako ni Yexer. Natapos ang uwian ng badtrip ako. Super badtrip. Gusto kong ibaon si Yexer ng six feet under at hilingin na sana di na sya mabuhay. Pero syempre di ko ginawa. At di ko magagawa. tss. Nevermind na nga lang, nababadtrip lang ako.
Naglalakad ako ngayon papuntang 7-11 sa kabilang kanto ng may nakita ulit akong airplane. "That's the second. Five pa. Kaya yan." I murmured as I stopped walking. H-hala, parang uulan. Binilisan ko na lang ang paglalakad. Pag pasok ko ng store ay kumuha ako ng cup noodles at binayaran sa counter. Umupo ako malapit sa bintana at kinain yung cup noodles. Tinatamad akong magluto e.
Tas tumawag pa si mom na hindi sya makaka uwi. Natapos kong kainin ang noodles at napansin kong umuulan ng malakas. Hala, mamaya pa to titigil. Tatakbuhin ko na sana ng may humarang sa harap ko at pinayungan ako. Tinignan ko sya samuka at nagulat ako ng mapagsino sya. "Y-ye-yexer Kyle?" I asked in disbelief.
"Pag tumakbo ka magkakasakit ka Zambrie Aesha. At ayoko non." And with that, tinignan ko sya sa mata. First time, first time nya kong tinawag ng seryoso at walang halong biro. Feeling ko, bumilis ang tibok ng puso ko. Everything--time and peole, nagslowmo sila. At may kung ano na nangyayari sa tyan ko. I recovered fast at nginitian sya--the genuine one. "Lika na, hatid na kita."
At hinatid nya nga ako. Pero syempre tinuro ko pa ang daan papunta samen. Yexer Kyle is actually good looking. May naririnig akong rumors na gentleman din sya. Pero siguro tama yung kasabihang Don't judge others easily. Pagdating sa tapat ng gate tinanong ko sya. "Why?"
"Huh? Anong why??"
"Tinatanong ko kung bakit mo ko tinulungan."
"Para syempre may maasar ako sa school." At pagkasabing-pagkasabi nyang yun sinamaan ko sya ng tingin. "O, sige na. See you tomorrow. Take care." Di naman ako nabasa dahil ma silongan yung gate namin. Naiinis ako sa kanya, yun pala ang dahilan. Pero at some point, napapangiti ako dahil my instinc screams na front nya lang yun. Hay makatulog na nga. Pero I think, I'll make sure na tatandaan ko ang araw na to. Pumasok na ko sa loob ng bahay.
Its the third day na na nagbibilang ako ng eroplano. Kanina at school, as usual, bact to his oldself na si Yexer. Inaasar ulit ako. At si ako naman na pikunin e sobrang napipikon. Right now ay nasa rooftop ako, nagbabasa habang inaantay may dumaan na airplane. Tumingala ako at saktong may dumaan. Yay! Pangatlo na. Apat na araw na lang makikilala ko na si Prince Charming.
Fourth day, pumasok ako at may nakakagulat na nangyari. Yexer asked my cellphone no., ako? Binigay ko. I don't know what got in to me at binigay ko yung number ko sakanya. Gabi na ulit at nasa 7-11 ako. Eating ice cream habang inaantay na may dumaang eroplano ulit.
~whoshh, whoshh~
Pagtingala ko saktong may dumaan ulit. Lumabas na ko ng store only to see Yexer sitting at a bench nearby. Lumapit ako sa kanya at ginulat sya.
"BOO!"
"Ahhh~!"
Tumawa ako ng malakas na malakas after kong makita yung priceless na muka nya. Shet, epic face ever! "Hoy, Zombie! Bakit ka ba nanggugulat?!" ah, kaya siguro di nya ko napansing lumapit dahil nagco-concentrate sya sa phone nya.
"Wala lang, gusto ko kasi makakita ng priceless face at sorry ka dahil ikaw ang trip ko."
"Psh. Umuwi ka na ng sa inyo Zombie. Mamaya umulan uli e. Edi wala kang payong!"
Napa-pout na lang ako sa sinabi nya at sinunod nalang sya.
Fifth day, Friday, di raw papasok yung prof namin sa last subject kaya maaga akong nakauwi. Naabutan ko si mommy na nakaupo sa sala. Lumapit ako sa kanya at kiniss sya sa cheecks nya. "Anak aalis ako bukas. Pinadala ako ng boss ko sa Paris para mag training. One week lang yun baby."
"Awwe. Bat ngayon mo lang sinabi mom?"
"Sorry anak. Alam mo namang busy si mommy e."
"Okay lang mom. I can handle. Total malaki na ko."
Pagsabi ko nun ay umakyat na ko. Nasa balcont ulit ako at nag aantay ng eroplano. After some minute of waiting. May nakita rin akong airplane. Two more.
Sixth day, Saturday, walang pasok. Gabi na. I'm sitting comfortably sa garden namin. And as usual, my routine. There! May dumaan na. One more left. Nae-excite na ko para bukas.
~beep beep~
"See you at the park tomorrow. Seven o'clock.-Yexer." binasa ko yung message. Ay oo nga pala, I gave him my number.
Sunday evening, I'm here at the park. inaantay si Yexer and watching out kung may eroplano ba. Pero mukang wala. Hay, last na yun e. Last na lang. Sobra akong nalulungkot. haist bat ba kasi ako naniwala e. Pero diba in the first place sabi ko try lang.
Tatalikod na sana ako when I saw a paper airplane, I think its the last airplane I'm gonna count. Napangiti ako. Sinusundan ko ito ng may makabangga ako. Napaupo ako sa lakas ng impact.
"Sorry,"
Napatingala ako agad dahil pamilyar yung boses. At tama ako. Coincidence lang ba to lahat? Dahilan para makabunggo ko si Yexer Kyle? Napangiti na lang ako sa mga iniisip ko.
Airplane Counting, huh?!

~FIN~