•••
Copyright © 2014 by Iantatolala
Nakaupo ako ngayon sa isang swing sa park ng village namin. Iniisip yung sinabi saken ni Sheena. Tae kasing babae yun e. Lakas mang-asar porke't Bf nya na yung dating pinapangarap nya. At eto pa, pinapamuka saking isa akong malaking ignorante pagdating sa pag-ibig. NBSB kasi ako, at 4th year college na ko. In fact, malapit na kaming gumraduate. Two months from now kaya super busy.
Okay, back to topic, maganda naman ako. 'weh?'
mabait naman ako. 'owws?'
matalino naman ako. 'maniwala?'
musunurin, 'di nga,'
pero bakit wala akong lovelife?! 'yun yun e!'
Hay, sabi nga ng iba perfect daw ako. Pero bakit tinalo pa ko ng mga panget kung magkaroon ng boyfriend?!(Peace guys) As in yung boyfriend na super loyal. 'baka daw bugbugin sila,' yung boyfriend that loves you and your flaws. As in yung boyfriend na ideal guy ng lahat. Hayyy, pero sabi nga nila, Loving an imperfect person is seeing him perfectly.
~whoooshhhhhh~ ~booogshhh~ (sorry sa sound effects)
Aray! Nubayan, nag-eemo yung tao e!-__- Pero ano to?! Papel?!
Tinignan ko yung papel dahil inatake nanaman ako ng kyuryosidad. May nakasulat dun, so binasa ko.
'Kapag nakakita ka ng isang eroplano sa gabi at binilang mo ito sa bawat araw, at pinagpatuloy mo ito ng isang linggo. Sa huling araw, kung sino man ang makabunggo mo, sya ang para sayo.'
After kong basahin yung sulat ay literal na napanga-nga ako. Ano to? himala? coincedence? hulog ba to ng langit? Kasi kung oo, nagpapasalamat ako sa kanila. On time pa ang pagbagsak. Thank you Lord.^_^
After that thankful event, dumeretso na kong bahay at natulog.
Monday na, excited na ko para mamayang gabi. Sana may airplane. Naglalakad ako sa corridor ng may lalaking bwisit na sumulpot. "Zambrie-zombie~," he said in a sing-song voice. Pero wait, did he just insult my name?!
"Hoy, Yexer! Sino nagsabi sayung insultuhin mo pangalan ko?!"
"Wala, ako lang." aniya. "Any problem?"
"Meron! Aba, insultuhin mo ba naman yung pangalan ko ng harap-harapan?!" sigaw ko, pero ang loko, ngumisi lang!
"So gusto mo nakatalikod ka?" wika nya pero inirapan ko lang siya. "Atsaka bakit ba katunog ng zombie yung pangalan mo?"
"Pake mo ba?! Atsaka Brie--Brie ang itawag mo saken kung may problema ka sa pangalan ko!"
"Of course I care, soon to be girlfriend and future wife kaya kita." bulong nya.
Ano daw sabi nya? Pero, pake ko ba?! tss. Inirapan ko na lang uli sya bago nagpatuloy sa paglalakad papuntang room. Pagdating ko, deretso upo na ko at sakto namang pagdating na aming proffessor at nag lecture na. All day, excited ako para ngayon. Yup its night already. Narito ako ngayon sa balcony, nakahiga sa duyan at nag aantay ng dadaan na airplane.
~whoshhh, whoshhh,~
"Ayun! Yes! Buti may dumaan. Six na lang."
Hay salamat naman. Pero I wonder, sino kaya yung para sakin. Aish bahala na nga. Matutulog na ko. May pasok pa pala. Yae na, malapit na nman na e.
Today is Tuesday, and as always I'm looking forward pa ren para mamaya. Vacant ko right now at nasa garden ako. Hay, may nakita nanamn akong couple na ubod ng sweet. tss. 'Budburan ko kayo ng asin e' I whispered. Hay, I can't help not to be bitter. Nakakainggit. Yaan na last subject na lang naman e.
"Uy Zombie, para kang binagsakan ng langit at lupa." Psh, sino pa ba ang walanghiya na tatawag sa beautiful fes ko ng zombie?! Walang iba kundi ang nag iisang Yexer Kyle Dominguez.
"You care?"
"I care because I care,"
"Mind your own business,"
"You are my business."
"How?"
"Its just that,"
And the rest ay kinulit, ininsulto, pinikon at inasar lang ako ni Yexer. Natapos ang uwian ng badtrip ako. Super badtrip. Gusto kong ibaon si Yexer ng six feet under at hilingin na sana di na sya mabuhay. Pero syempre di ko ginawa. At di ko magagawa. tss. Nevermind na nga lang, nababadtrip lang ako.
Naglalakad ako ngayon papuntang 7-11 sa kabilang kanto ng may nakita ulit akong airplane. "That's the second. Five pa. Kaya yan." I murmured as I stopped walking. H-hala, parang uulan. Binilisan ko na lang ang paglalakad. Pag pasok ko ng store ay kumuha ako ng cup noodles at binayaran sa counter. Umupo ako malapit sa bintana at kinain yung cup noodles. Tinatamad akong magluto e.
Tas tumawag pa si mom na hindi sya makaka uwi. Natapos kong kainin ang noodles at napansin kong umuulan ng malakas. Hala, mamaya pa to titigil. Tatakbuhin ko na sana ng may humarang sa harap ko at pinayungan ako. Tinignan ko sya samuka at nagulat ako ng mapagsino sya. "Y-ye-yexer Kyle?" I asked in disbelief.
"Pag tumakbo ka magkakasakit ka Zambrie Aesha. At ayoko non." And with that, tinignan ko sya sa mata. First time, first time nya kong tinawag ng seryoso at walang halong biro. Feeling ko, bumilis ang tibok ng puso ko. Everything--time and peole, nagslowmo sila. At may kung ano na nangyayari sa tyan ko. I recovered fast at nginitian sya--the genuine one. "Lika na, hatid na kita."
At hinatid nya nga ako. Pero syempre tinuro ko pa ang daan papunta samen. Yexer Kyle is actually good looking. May naririnig akong rumors na gentleman din sya. Pero siguro tama yung kasabihang Don't judge others easily. Pagdating sa tapat ng gate tinanong ko sya. "Why?"
"Huh? Anong why??"
"Tinatanong ko kung bakit mo ko tinulungan."
"Para syempre may maasar ako sa school." At pagkasabing-pagkasabi nyang yun sinamaan ko sya ng tingin. "O, sige na. See you tomorrow. Take care." Di naman ako nabasa dahil ma silongan yung gate namin. Naiinis ako sa kanya, yun pala ang dahilan. Pero at some point, napapangiti ako dahil my instinc screams na front nya lang yun. Hay makatulog na nga. Pero I think, I'll make sure na tatandaan ko ang araw na to. Pumasok na ko sa loob ng bahay.
Its the third day na na nagbibilang ako ng eroplano. Kanina at school, as usual, bact to his oldself na si Yexer. Inaasar ulit ako. At si ako naman na pikunin e sobrang napipikon. Right now ay nasa rooftop ako, nagbabasa habang inaantay may dumaan na airplane. Tumingala ako at saktong may dumaan. Yay! Pangatlo na. Apat na araw na lang makikilala ko na si Prince Charming.
Fourth day, pumasok ako at may nakakagulat na nangyari. Yexer asked my cellphone no., ako? Binigay ko. I don't know what got in to me at binigay ko yung number ko sakanya. Gabi na ulit at nasa 7-11 ako. Eating ice cream habang inaantay na may dumaang eroplano ulit.
~whoshh, whoshh~
Pagtingala ko saktong may dumaan ulit. Lumabas na ko ng store only to see Yexer sitting at a bench nearby. Lumapit ako sa kanya at ginulat sya.
"BOO!"
"Ahhh~!"
Tumawa ako ng malakas na malakas after kong makita yung priceless na muka nya. Shet, epic face ever! "Hoy, Zombie! Bakit ka ba nanggugulat?!" ah, kaya siguro di nya ko napansing lumapit dahil nagco-concentrate sya sa phone nya.
"Wala lang, gusto ko kasi makakita ng priceless face at sorry ka dahil ikaw ang trip ko."
"Psh. Umuwi ka na ng sa inyo Zombie. Mamaya umulan uli e. Edi wala kang payong!"
Napa-pout na lang ako sa sinabi nya at sinunod nalang sya.
Fifth day, Friday, di raw papasok yung prof namin sa last subject kaya maaga akong nakauwi. Naabutan ko si mommy na nakaupo sa sala. Lumapit ako sa kanya at kiniss sya sa cheecks nya. "Anak aalis ako bukas. Pinadala ako ng boss ko sa Paris para mag training. One week lang yun baby."
"Awwe. Bat ngayon mo lang sinabi mom?"
"Sorry anak. Alam mo namang busy si mommy e."
"Okay lang mom. I can handle. Total malaki na ko."
Pagsabi ko nun ay umakyat na ko. Nasa balcont ulit ako at nag aantay ng eroplano. After some minute of waiting. May nakita rin akong airplane. Two more.
Sixth day, Saturday, walang pasok. Gabi na. I'm sitting comfortably sa garden namin. And as usual, my routine. There! May dumaan na. One more left. Nae-excite na ko para bukas.
~beep beep~
"See you at the park tomorrow. Seven o'clock.-Yexer." binasa ko yung message. Ay oo nga pala, I gave him my number.
Sunday evening, I'm here at the park. inaantay si Yexer and watching out kung may eroplano ba. Pero mukang wala. Hay, last na yun e. Last na lang. Sobra akong nalulungkot. haist bat ba kasi ako naniwala e. Pero diba in the first place sabi ko try lang.
Tatalikod na sana ako when I saw a paper airplane, I think its the last airplane I'm gonna count. Napangiti ako. Sinusundan ko ito ng may makabangga ako. Napaupo ako sa lakas ng impact.
"Sorry,"
Napatingala ako agad dahil pamilyar yung boses. At tama ako. Coincidence lang ba to lahat? Dahilan para makabunggo ko si Yexer Kyle? Napangiti na lang ako sa mga iniisip ko.
Airplane Counting, huh?!
~FIN~
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento